Suggested Reflection Statement to be Used on DLP & DLL (For Filipino), Free Download
Suggested Reflection Statement to be Used on DLP & DLL (For Filipino), Free Download |
Suggested Reflection Statements to be used for Daily Lesson Plan (DLP)/Daily Lesson Log (DLL)
Part VI. Reflection (For Filipino)
E. Which of my teaching strategies worked well? Why did these work?
1. Pangkatang Gawain ng mga mag-aaral ay mabisa dahil sa nakita ko sila ay abalang nakikiisa sa Gawain.
2. Kolaborasyon / Pagtutulungan ay mabisa at nakikita sa paghahatid ng aralin. Nakikita sa mag-aaral ang pakikiisa sa proseso ng pagkatuto.
3. Sanhi at Bunga ( cause & Effect) – mabisang estratehiya sa paglinang ng kanilang kakayahan sa pangangatwiran batay sa paksa.
4. Paint Me a Picture – ay magandang gamitin sa pagtuturo o pag-aanalisa ng pangungusap dahil nabibigyan ang mag-aaral ng pagkakataong makiisa at makilahok sa gawain.
5. I – Search , ito ay mabisang paraan na nakakatulong sa pamaraang pananaliksik ng mga mag-aaral na makasulat ng resulta o konklusyon batay sa paksa.
6. ANA / KWL ( Know-Want-Learn Technique) – ang teknik na ito ay tumukoy sa datinhg kaalaman at iniuugnay sa bagong kaalaman ( Ano ang inyong nalalaman,,,Ano ang gusto ninyong matutunan …. Ano ang natutunan sa paksa,,,. )
7. Event Map – ang estratehiyang ito ay ay para makapag-analisa ang mga mag-aaral ng isang [aksa o kwento at matatalakay ang mga akdang Pampanitikan.
8. Decision Chart – sa pamamagitan nito , nahahasa ang kaisipan ng mga mag aaral makapagpapaliwanag at makapagtimbang-timbang ng mga isyu. Nakatutulong din ito sa mabisang pagpapasimula ng makahulugan at matalinong pagdedebate.
9. Fishbone Planner – ito ay ginagamit sa pagtitimbang-timbang sa maganda at hindi magandang epekto ng isang isyu o paksang pinag-usapan.
10.Data Retrieval Chart – ginagamit ang estratehiyang ito sa pagsasaayos ng datos mula sa isinagawang diskusyon sa klase o mula sa tektong binasa. Nagagamit din ito sa pag-uulat o sa pagbubuod ng leksyon ( Problema – Dahilan – Solusyon )
F. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me solve?
1. Ang suliraning aking naranasan ay kakulangan sa makabagong kagamitang Pampagtuturo ( IM’s).
2. Nahirapan sa Classroom Structuring. Nangangailangan ako ng tamang gabay mula sa nakakataas.
3. Isa sa mga problemang aking nakikita ay ang pag-uugali ng mga mag-aaral. Hamon sa akin kung paano pakikitunguhan ang mga mag-aaral na ito.
4. Mapanupil( Bullying) /Mapang-api na mag-aaral sa kanyang mga kaklase ay kayang dalhin ngunit may tamang gabay ay kailangan.
5. Nahihirapan ako sa pagbuo ng RUBRIC , kailangan ko ang tulong ng akingm Punongguro, Ulongguro at Dalubhasanang Guro/ Master Teacher.
6. Kamalayang makadayuhan ( colonial mentality)
7. Kakulangan ng mga aklat-aralin at talasanggunian .
8. Student’s Readiness – ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan.
9. Kakulangan sa kaalaman sa mga makabagong pamamaraan o istratehiyang pampagtuturo.
10.Kakulangan ng kaalaman ng guro sa paggamit ngmga awtentikong kagamitan sa pag-ases sa kaalaman ng mga mag-aaral.
G. What innovation or localized materials did I use/discover which I wish to share with other teachers?
1. Ang Video Showing / Film Showing ay gawaing nakikita ko na makapukaw sa kawilihan ng mga mag-aaral sa klase.
2. Ang paggamit ng Big Book na may larawan sa komunidad at paaralang nakabigay-sigla sa mga mag-aaral sa aking pagtuturo.
3. Metodong Mirror Me / Literary in situation – Higit na makatulong ang metodong ito sa pagpapahalaga at pag-unawa lalo na sa mga akdang pampanitikan. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na mapahalagahan ang mga sarili /personal na karanasan na nakikitaan ng kaugnayan sa mga paksang tinalakay sa klase.
4. (Visualization – higher levels of understanding 1. Listen & Sketch 2. Show & Listen 3. Share – like : Sequence a story strip.)
5. Ang Community Language Learning ( CLL) – pamaraan batay sa domeyn na pandamdamin. Ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning na nagbigay diin ng pangangailangan ng mga mag-aaral .
6. Ang “Suggestopedia” – inilalahad at ipinaliwanag ang gramatika at bokabolaryo . Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika, isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin at drama.
7. Ang pagkatutong “task-Based” – binigyan pokus lamang ang task sa pagkatuto. Ang proseso sa pagkatutobbilang isang komunikatib task na tuwirang nakaugnay sa mga nakagawiang pagsasanay sa wika.
No comments