Most Recent

Latest Updates

Grade 9 Filipino Reviewer | Quarter 1 | Practice Test

1➤ Ano ang tawag sa maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tuluyan tulad ng maikling kuwento, anekdota, mito, alamat, at nobela?

2➤ Anog uri ng kuwento ang nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari?

3➤ Anong akda ang nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo.

4➤ Anong uri ng tunggalian ang nagaganap sa isang tao laban sa kanyang sarili ?

5➤ Ano ang taglay ng tula na hindi makikita sa ibang akda?

6➤ Ano ang hindi totoo tungkol sa tula?

7➤ Anong naidudulot na kabutihan ng pagkakaroon ng kahusayan o kaalaman sa pangangatwiran?

8➤ Ano ang ipinapakita ng isang pahayag na katotohanan?

9➤ Anong bahagi ng balangkas na nagpapakita ng pinakamasidhing parte ng kuwento na kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin?

10➤ Saan ginagamit ng mga pang-uring pamilang na panunuran o ordinal?

11➤ Mahigpit na ipinagbilin ng iyong guro na kinakailangan mong magrepaso nang mabuti para pumasa ka at matuwa ang iyong mga magulang. Dahil sa di inaasahang pangyayari nakaligtaan mong magbasa. Katabi mo ang pinakamagaling sa inyong klase, wala kang ibang maisip gawin maliban sa mangopya. Anong uri ng tunggalian ang naganap?

12➤ Madalas nakikipagsapalaran ang isang magsasaka – walang katiyakan kung kailan uulan para sa pagtatanim, walang katiyakan kung kailan titila ang ulan upang makapagbilad ng inani. Ano ang tawag sa ganitong pakikipagtunggali ng magsasaka?

13➤ Anong uri ng tula ang pumapaksa tungkol sa buhay sa kabukiran at sa kagandahang-asal ng Mga magsasaka.

14➤ Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari. Batay sa mga nakita ko walang dahilan para manisi. Sapagkat ang tao’y may sariling kalayaan para pumili at magpasya. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag?

15➤ Ano ang angkop at tamang pang-ugnay na hudyat sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ang angkop na ipuno sa patlang ng pangungusap na nasa ibaba? ________________ ay masayang ihain ang masarap na Indonesian Sate sa mesa upang masayang pagsaluhan ng pamilya.

16➤ Ano ang pinakamatandang uri ng panitikan?

17➤ Ang tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran samakatuwid wala siyang dahilan para isisi sa iba ang kanyang sasapitin. Anong panandang pangramatika ang salitang nakapahilis?

Para sa bilang 18-19

        Napatigagal si Padre Damaso, hindi dahil sa magagandang dalaga. Hindi rin dahil sa Kapitan Heneral at sa mga alalay nito, kundi sa pagpasok ni Kapitan Tiago na hawak pa sa kamay ang isang nakaluksang binata. Humalik ng kamay si Kapitan Tiago sa dalawang pari at magalang na bumati. “Magandang gabi po sa inyo, mga ginoo.”Inalis ng pareng Dominikano ang suot na salamin at sinipat angbinata. Namumutla naman at nanlalaki ang mga mata ni Padre Damaso. “Siya po si Don Crisostomo Ibarra, anak ng namatay kong kong kaibigan,” Pagpapakilala ni Kapitan Tiago. “Kararating lamang niya mula sa Europa, at sinalubong ko siya.” Hindi naikaila ang paghanga ng mga panauhin nang marinig ang pangalan ng binata. Nakalimutan tuloy ni tenyente Guevarra ng guardia civil na batiin si Kapitan Tiago. Nilapitan niya ang nakaluksang binata at sinipat mula ulo hanggang paa. Si Ibarra’y mataas kaysa karaniwan, malusog, mukhang edukado. Magiliw ang kanyang mukha at kasiya-siyang kumilos. Kababakasan iyon ng lahing kastila. Kayumanggi ang kanyang balat ngunit mamula-mula ang kanyang pisngi. “A!” may pagtataka ngunit masayang bati ni Ibarra. “Sila ang kura sa aking bayan. Matalik na kaibigan ng aking ama si Padre Damaso!” Nalipat ang tingin ng lahat kay Padre Damaso. “Hindi ka nagkamali!” agaw ng prayle. “Pero, kailanman ay hindi ko naging kaibigang matalik ang iyong ama.” Iniurong ni Ibarra ang iniabot niyang kamay sa pari. Nagtatakang tinitigan ang kausap. Tumalikod upang harapin ang pormal na anyo ng tenyenteng nakatingin sa kanya. 

 Hango sa Noli Me Tangere


18➤ Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng opinyon?

19➤ Ano ang mahihinuha sa huling dalawang talata ng seleksiyon?

20➤ Anong pahayag ang maituturing na makatotohanan?

21➤ Ano ang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa ibaba batay sa “Alamat ng Padaythabin”.

  1. kaya’t dumating ang panahong inabuso ng mga tao ang mahiwagang puno
  2. mistulang nasa paraiso ang mga tao noon dahil walang suliranin ang mga mamamayan 
  3. ngunit nakilala ng mga tao ang kasakiman sa buhay
  4. noong unang panahon, lahat ng pangangailangan ng mga tao ay nakukuha sa puno ng Padaythabin.
  5. Sahuli ay tuluyan na itong naglaho at hindi nakita pa ng mga tao


22➤ Ano ang tamang pagkakasunod-sunod nina Jake, Boy, Anne, at Luke?

23➤
Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagluluto?

  1.  Ihain ang bago at mainit-init na nilutong ulam.
  2. Una, piliin ang sariwang karne ng baboy. 
  3. Hiwain ito batay sa planong luto.
  4. Lutuin ito kasama ng mga kinakailangang sangkap.
  5. Dagdagan ng asin at iba pang pampalasa upang makuha ang tamang timpla

24➤ Magiliw o hospitable ang mga Pilipino sa mga panauhin maging sila man ay kamag-anak, kaibigan, kakilala, o dayuhan. Kapag may pagdiriwang o pagtitipon sa tahanan ay sinisikap nilang masiyahan ang lahat. Lubos nating pinahahalagahan ang pagdalaw ng mga panauhin sa ating tahanan. Alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig ng matatag na opinyon?

25➤ Sadyang mahigpit ang pagkakabigkis ng pamilyang Pilipino. Masasalamin ito sa kanilang pagpapahalaga bilang magkakasama sa hirap man o ginhawa. Madalas sa isang tahanan ay kasama ng mag-asawa at ng kanilang mga anak ang ilang kamag-anak tulad ng kapatid, tiya, tiyo, lolo, lola, at iba pa. Hindi nila basta pinababayaan ang kanilang mga kamag-anak na walang matutuluyan. Alin sa sumusunod ang maituturing na neutral na opinyon?

26➤ Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nagpapahayag ng opinyon?

27➤ Tulang Makabayan; Buhay ay handang ialay, Makita ko lang ang iyong Kalayaan Tulang Pangkalikasan; Ang aking pluma’y umaagos na tulad ng ilog; Tula ng Pag-ibig; Ang puso ko’y natutong umawit, mula nang ikaw ay ibigay ng langit Tulang Pastoral: ___________________

Para sa bilang 28-29

Matamis mabuhay sa sariling bayan

Na pinagpapala ng init ng araw

Ang mahinhing simoy na galing sa parang

Pagsinta’y matimyas maging kamatayan


  Bahagi ng “Awit ni Maria Clara”


28➤ Ano ang paksa ng taludturan?

29➤ Alin ang halimbawa ng pangungusap na padamdam ang maaaring nakabatay sa tula?

Para sa bilang 30-31

Ang mga Pilipino ay kilalang matatag at matapang, hindi sumusuko, hindi umaayaw gaano man kabigat ang suliraning pinapasan. Ang ganitong katangian ay muling namalas noong ika-23 ng Hulyo taong kasalukuyan matapos ihayag ng Pangulong Duterte ang kanyang ikatlong SONA. Sa kabila ng mga magaganda niyang nagawa, siya’y pinutakti sa kaliwa’t kanan. Naglipana ang napakaraming paninisi – dumarami di umano ang mga walang trabaho, dumarami ang naghihirap. Ang pangulo ba ng nag-utos na “sige mag-asawa kayo at mag-anak ng marami at ako ang magpapakain?” Ang pangulo ba ang nagsabing “Sige huwag ka nang mag-aral at ihahanap kita ng trabaho?” Nakapagtataka kung saan ba nagmumula ang ganitong mga kaisipan ng mga Pilipino. Halos duruin ang pangulo dahil sa mga patayang nagaganap na kinasasangkutan ng mga tulak ng ipinagbabawal na gamot. Maraming sumisigaw ng katurungan para sa mga napatay na salot sa lipunan. Ang nakapagtataka bakit walang Human Rights (CHR) kapag nagahasa at napatay ang isang walang kamalay-malay na sanggol? Bakit walang Human Rights kapag ang napatay ay isang alagad ng batas o ordinaryong mamamayan? Hindi ba mas magandang sa halip na pumarada sa EDSA at magsusumigaw, humanap ng mga bagay na maaaring pagkakitaan? Hindi ba mas mahalagang ipamudmod sa mga nangangailangan ang perang ginugol sa mga kagamitang gagamitin sa pagwewelga?

Mr. Blue Heart

30➤Ang katwirang nangibabaw sa seleksiyon ay malinaw at matibay. Ang pahayag ay;

31➤ Ano ang ginamit na sanggunian ng may-akda sa kanyang katwiran?

Your score is

No comments

FREE DLL Q3 WK6 (JANUARY 13-17, 2024) Click Here

×