Most Recent

Latest Updates

Interactive NAT Grade 10 Reviewer (Araling Panlipunan) Part 4

1➤ Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.

2➤ Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

3➤ Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.

4➤ Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.

5➤ Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.

6➤ Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

7➤ Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindinagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?

8➤ Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?

9➤ Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

10➤ Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?

11➤ Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan”?

12➤ Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?

13➤ Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?

14➤ Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?

15➤ Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?

16➤ Ito ay non-governmental organization. Ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao. Itinatag ito noong 1974 nina Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at Joker Arroyo.

17➤ Ito ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao. Ang motto nito ay “It is better to light a candle than to curse the darkness.”

18➤ Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa Asya. Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at pag-sasakatuparan nito sa buong Asya.

19➤ Itinatag ito ni Jack Healey na isang kilalang human rights activist. Naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong daigdig.

20➤ Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito.

21➤ Bakit kailangang matiyak ng isang tao ang ligalidad ng kaniyang pagkamamamayan sa isang bansa?

22➤ Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloy na paghihirap ng mga pamumuhay sa isang pamayanan. Karamihan sa mga mamamayan ay hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng paglabag ng karapatang pantao. Dahil dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang pambansang interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin?

23➤ Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong pagtatanggol sa karapatan pantaong patungkol sa isyung pang-ekonomiya?

24➤ Ano ang taglay ng isang bansang may mamamayang aktibo at malayang nagtatanggol sa kanilang karapatang pantao?

25➤ Ang sumusunod ay mga mabuting dulot ng paglahok sa civil society MALIBAN sa isa.

26➤ Gaano kahalaga ang accountability at transparency sa pamamahala?

27➤ Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad?

28➤ Basahin at unawain ang talata: Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking magulang, susundin ko ang tuntunin ng paaralan, tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan: naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan Ang talata na iyong binasa ay halaw mula sa bagong version ng Panatang Makabayan. Anong katangian ng isang mamamayang Pilipino ang inilalarawan dito?

29➤ Bakit kailangang matiyak ng isang tao ang ligalidad ng kaniyang pagkamamamayan sa isang bansa?

30➤ Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloy na paghihirap ng mga pamumuhay sa isang pamayanan. Karamihan sa mga mamamayan ay hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng paglabag ng karapatang pantao. Dahil dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang pambansang interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin?

Your score is

No comments

FREE DLL Q3 WK6 (JANUARY 13-17, 2024) Click Here

×